Inanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na magiging pinuno ng Philippine National Police.
Sa thanksgiving gathering ng The Fraternal Order of Eagles sa SMX Convention Center sa Davao City kagabi, sinabi ng Pangulo na itatalaga niya si PNP Officer in Charge Police Lt. General Archie Gamboa bilang PNP Chief.
Anya, ipinakita ni Gamboa ang kanyang sinseridad sa Pangulo.
Una nang itinalagang acting PNP Chief si Gamboa matapos ang napaagang pagreretiro ni dating PNP Chief Oscar Albayalde matapos na masangkot ang pangalan nito sa isyu ng ninja cops.
I’m going to appoint you as the regular PNP. But you and Sec Año and I will have a long, long talk first. Pinakita mo sa akin yong sincerity mo, and I’d like you to leave something that you will be remembered by the country.—ani Pang. Duterte