Kuntento si PNP Chief General Archie Gamboa sa performance ng mga pulis sa pagsasailalim ng community quarantine ng National Capital Region (NCR) dahil sa COVID-19.
Ayon kay Gamboa, layon ng direktiba na mabawasan ang pagpasok ng tao sa Metro Manila na siyang nagawa naman aniya ng mga otoridad.
Yes, ang basic naman natin dun sa checkpoint purpose is control ng pasok ng tao, merong mga nakalatag na criteria kung sino lang ang pwedeng pumasok, kapag hindi ka pwede hindi ka na papapasukin, kung papasok ka merong appropriate medical checks na gagawin natin,” ani Gamboa.
Gayunman aminado si Gamboa na napuna ng ilan ang hindi pagsusuot ng face mask o gloves ng mga pulis na nakatalaga sa mga checkpoint.
Paliwanag ni Gamboa limitado lang kasi ang kayang bilhin na protective equipment ng ahensya.
Kaya naman umano umaasa siyang matutulungan din sila ng pamahalaan para madagdagan ang mga gamit na kailangan para maprotektahan di n ang mga pulis laban sa sakit.
Hopefully with the Inter-agency and the National disaster convening today we are able to bring out this issues at sana tulungan kami ng national government,” ani Gamboa.