Nagpasalamat si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin para sa kaniyang kaligtasan at paggaling maging sa kaniyang mga kasama.
Ito’y makaraang bumagsak ang sinasakyan ni Gamboa na helicopter kasama ang iba pang heneral sa San Pedro, Laguna, kahapon, ika-5 ng Marso.
Sa video post ng PNP-Public Information Office (PIO), tiniyak ni Gamboa na siya ay nasa mabuti nang kalagayan at maaari na rin agad makabalik sa trabaho.
PANOORIN: PNP chief Police General Archie Gamboa, nasa maayos na kundisyon na matapos ang chopper crash sa Laguna kaninang umaga.
Ayon pa kay Gamboa, balik opisina na siya sa Lunes, Marso 9. | via @jaymarkdagala
PNP-PIO pic.twitter.com/fZqTSx0Oy0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 5, 2020
Kasabay nito umapela si Gamboa sa publiko na huwag nang ipakalat pa ang mga larawan o video na may kaugnayan sa naganap na aksidente.
Kasama ni Gamboa sa chopper sina Major Gen. Mariel Magaway, Major Gen. Jose Maria Victor Ramos, Police Brig. Gen. Bernard Banac at dalawa pang piloto.
Nakatakda sanang magtungo ang mga ito sa Camp Vicente Lim para sa isang scheduled command visit nang mangyari ang insidente.