Kumpiyansa si DILG Sec. Eduardo Año sa pamumuno ni Police Lt/Gen. Archie Gamboa bilang permanente nang pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang pahayag, sinabi ni Año na qualified naman si Gamboa sa posisyon na pansamantalang hinawakan na rin nito ng ilang buwan.
Tiwala ang kalihim na ipagpapatuloy ni Gamboa ang pinaigting na kampanya nito kontra illegal na droga, krimen gayundin ang pagsupil sa mga local terrorist at extremist group.
Umaasa rin si Año na sa ialim ni Gamboa, paiigtingin pa nito ang internal cleansing para linisin ang hanay ng PNP mula sa mga tinaguriang police scalawags.