Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na aarestuhin na agad ang mga lumalabag sa luzon-wide community quarantine.
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, wala ng warning sa mga violators ng enhanced community quarantine (ECQ) sa halip ay agad na aarestuhin ang mga ito, ikukulong at sasampahan ng kaso bilang paglabag sa Republic Act No. 11469 At Republic Act No. 11332.
Ani Gamboa, ang mga paglabag na ito ay may kaukulang parusa at multa ngunit aniya, pinakamaaabala ang mga violator sa mga kakaharapin nilang paglilitis kaugnay sa kanilang kaso at ang implikasyon nito sa kanilang personal criminal profile.
Batay sa datos ng PNP, simula noong March 17, dalawang araw matapos magsimula ang ECQ sa Luzon, umabot na sa 136,517 ang naitalang lumabag.
Sa nasabing bilang, 98,86 ang nakatanggap ng warning, 6,168 ang napag-multa habang 31,363 ang naaresto.