Pursigido si Barangay Ginebra Gin Kings Star Import Justin Brownlee na itodo na ang kanyang puwersa sa Game 4 ng PBA Governor’s Cup Finals kontra Meralco Bolts.
Aminado si Brownlee na naging maganda ang laro ng Bolts sa Game 3 at marami siyang mintis na tira pero titiyakin niyang magpapaulan siya ng puntos sa kanilang muling paghaharap.
Muling magbabakbakan sa 4th round sa Araneta Coliseum, mamayang ala-6 ng gabi.
Tatangkain ng Barangay Ginebra na itabla ang kartada sa 2 – 2.