Kinansela na ng reigning National Basketball Association (NBA) champion na Milwauckee Bucks ang kanilang Game 7 watch party na gaganapin sana sa Fiserv Forum outdoor plaza bukas, oras sa Estados Unidos.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Bucks, malapit kasi sa kanilang arena ang nangyaring magkakahiwalay na mass shooting sa labas Deer District property.
Paliwanag nila, madaraanan kasi ito ng kanilang fans na maglalabas pasok sa arena.
Sa ganitong paraan aniya, makakapag-bigay daan at hindi na sila makakagulo pa sa mga otoridad na magsasagawa ng imbestigasyon.