Napag-alaman na isa ang innovative education program ng Taguig City sa pakikinabangan nang husto ng mga estudyante ng Embo Barangays na ngayon ay parte na rin ng lungsod.
Ayon kay JV Arcena, Assistant Secretary for special concerns and international press secretariat sa ilalim ng Office of the Press Secretary at dati ding Assistant Secretary for Global Media and Public Affairs sa ilalim ng Duterte Administration, kumpara sa Makati City na nag-aalok ng scholarship sa top 10% lamang ng kanilang estudyante, sa Taguig ay nag-aalok ng oportunidad sa lahat ng estudyante at hindi hadlang kung anuman ang kanilang academic achievements.
Sa kanyang column na Unorthodox ay tinuring ni Arcena na “Game Changer” ang alok na scholarship ng Taguig.
“Taguig’s program is far more inclusive. This visionary approach has the potential to be a game-changer, particularly for former Makati residents who now call Taguig home. Taguig City’s scholarship program is a welcome departure from the traditional model that rewards only the academic elite. By extending scholarships to all students, Taguig ensures that no one is left behind and talent is given the opportunity to flourish,” pahayag ni Arcena.
Ang tinutukoy ni Arcena na programa ng Taguig ay ang alok na “flexible” scholarship kung saan nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng financial assistance sa mga estudyante na mula sa halagang P15,000 hanggang P110,000 kada taon depende sa nais na scholarship ng estudyante.
“Former Makati residents who now find themselves residing in Taguig are poised to benefit significantly from this progressive scholarship program. It is not just about providing financial aid; it is about unlocking the hidden potential within every student. By removing the barriers that hinder the progress of less academically accomplished students, the program fosters an environment where creativity, leadership, and other essential skills can flourish. Taguig’s holistic approach to education recognizes that success is not solely measured by academic achievements but also by the ability to adapt, think critically, and contribute meaningfully to society,” paliwanag ni Arcena.
Isa sa nakikinabang sa scholarship ng Taguig ay ang De La Salle University student na si Briann Sophia Reyes.
Sa kanyang Facebook post, pinakampante ni Reyes ang mga magulang mula sa 14 EMBO schools na may agam-agam para sa edukasyon ng kanilang mga anak kasunod ng paglipat na sa Taguig.
Aniya, maraming balisa kung ano na ang kasunod sa paglipat sa Taguig ngunit siya mismo ang makapagpapatotoo sa mga natanggap niyang benepisyo sa kanyang pag-aaral.
Sinabi ni Reyes na walang perpektong Local Government Units(LGUs).
Subalit walang dapat na ikabalisa sa paglipat sa Taguig City dahil, aniya, bukod sa libreng uniform at school supplies ay nakatatangap pa siya ng cash incentive at allowance habang nag- aaral noon sa Cayetano Science High School at ngayong nag-aaral na siya sa DLSU ay patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng scholarship allowance mula sa Taguig LGU.
Nilinaw din niya na ang scholarship ng Taguig ay hindi lamang para sa mga nasa top rank sa klase kundi para sa lahat at walang pinipili.
Ani Reyes, sa ngayon ay ang mga kapatid naman niya ang nakikinabang sa full scholarship.
“I received school supplies and free uniform all throughout my junior high and senior high. Ang iniisip lang nina papa sakin noon ay allowance ko. Additional benefit na siguro is ‘yung allowance na nareceive ko when I was studying at Cayetano Science HS, and the cash incentives I received when I graduated as part of the overall batch’s rank 10. Besides, I guess hindi ko naman matutuloy sa DLSU if without the scholarship allowance na narereceive ko from LGU (75% Scholar lang po ako sa DLSU and yung 25% na remaining balance ko is from my scholarship allowance). I know baka sabihin ng iba na, “baka kaya nakakuha ka ng scholarship kasi part ka ng Top 10 noon”. Actually, wala po silang pinipili. With honors ka man o hindi, as long as gusto mo mag-aral and magpapasa ka ng complete requirements, then magiging Taguig scholar ka,” kwento ni Reyes.
Ang post ni Reyes ay sa harap na rin ng mga lumalabas na fake news at black propaganda na mula sa kampo ni Makati Mayor Abby Binay na minamaliit ang kakayahan ng Taguig na hindi kakayaning pantayan ang benepisyong ibinibigay ng Makati LGU sa may 30,000 EMBO students.
Binuweltahan naman ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang mga fake news ni Binay sa pagsasabing “sana hinay-hinay sa pag-question at pagmamaliit sa kakayahan ng ibang lokal na pamahalaan.”
“Tayo ay mag-encourage sa isa’t isa, ‘wag tayong magbibitaw ng salita na makakasakit at magko-cause ng panic sa ating kapwa,” dagdag pa ng lady mayor.
Sa Taguig, hindi lamang libreng school supplies, uniforms at sapatos ang inilalaan sa mga estudyante kundi maging scholarships para sa lahat kasama dito ang mga kumukuha ng vocational, 2-year o 4- year courses; kumukuha ng master’s at doctorate degrees at maging mga nagrerebyu sa board at bar exams.
Samantala, nagsimula nang mamahagi si Mayor Lani ng school supplies para sa mga EMBO residents na tatawagin na ding Taguigeño kung saan sinimulan ng alkalde ang pamamahagi sa Pitogo High School at iikutan nito ang 13 pang paaralan.
Bukod sa scholarship program, tatak din ng Taguig ang door-to-door delivery nito ng kanilang serbisyo.
Ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ay nakakatanggap ng door-to-door birthday cash gifts habang ang mga may asthma, hypertension at diabetes ay mayroong house delivery ng kanilang maintenance medicines at ang mga bedridden na residente ay personal na binibisita ng health personnel para kanilang home care.