Iniimbestigahan na ng Anti-Corruption Body ng World Tennis ang report na talamak na korupsyon partikular sa game fixing.
Ang hakbang ng TUI o Tennis Integrity Unit ay kasabay nang pagbubukas ng Australian Open.
Nabunyag ang umano’y 16 sa top 50 na manlalaro mula pa noong nakalipas na mga dekada kasama na ang mga grand slam champions ay pinaniniwalaang nasa likod ng game fixing.
Sinasabing isa sa mga manlalarong inalok ng game fixing si Serbian player Novak Djokovic kung saan noong 2007 ay nilapitan ito sa kanyang hotel at inalok ng 200,000 US dollars.
Hindi naman naniniwala si Serena Williams na may game fixing dahil ginagawa niya ang kaniyang makakaya para lamang manguna o magwagi sa anumang tennis match.
By Judith Larino