Pinigilan ng mga opisyal ng Philippine Consulate sa Dubai ang isang Filipina na bumalik sa Pilipinas.
Ayon sa report ng Khaleej Times, ito’y matapos tangkain ng ‘di pinangalanang Pinay na gumamit ng pekeng passport para sa kanyang adopted child.
Sinasabing binili umano ng asawa ng Pinay ang bogus na passport sa Pilipinas sa halagang Pitumpu’t Limang Libong Piso.
Ipinabatid ni Consul Ferdinand Flores na nabigo ang Pinay na makapag-apply ng lehitimong Philippine Passport dahil hindi malaman kung saan ang kinaroroonan ang biological parents ng bata.
By: Meann Tanbio