Nakuha ng mga sundalo ang ilang mga gamit sa paggawa ng IED o improvised explosive device, high-powered na mga armas at hinihinalang mga shabu sa magkahiwalay na operasyon laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Maguindanao.
Ayon kay Captain Arvin John Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, maingat na sinusundan ng 19th at 6th Infantry Battalion ang 20 miyembro ng BIFF nang kanilang marekober ang naturang mga gamit at shabu.
Rumesponde umano ang mga sundalo matapos makatanggap ng ulat na may presensya ng mga miyembro ng naturang teroristang grupo.