Makakalibre na ng gamot sa hypertension at diabetes ang halos 4 na milyong Pilipinong nagtataglay ng mga sakit na ito.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin, libre nilang ibibigay kada buwan sa mga pasyente ang gamot na metformin para sa diabetes at anti-hypertension drugs na losartan, amlodipine at metroprolol.
Sinabi ni Garin na kailangan lamang ng mga pasyente na sumali sa DOH hypertensive and diabetes club at magtungo sa kanilang health centers para makakuha ng libreng gamot matapos sumalang sa assessment, screening at management gamit ang Philippine package of essential non communicable disease intervention period.
By Judith Larino