Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration kahapon ang gamot ng Eisai Co. Ltd at Biogen Inc. para sa mga pasyente na mayroong Alzheimer’s disease.
Ibebenta ang gamot sa ilalim ng tatak na Leqembi, na naglalayong pabagalin ang pagsulong ng sakit na neuro-degenerative sa pamamagitan ng pag-alis ng nakakalasong protein beta amyloid mula sa utak.
Ang dalawang nasabing gamot lang ang nagtagumpay sa nasabing larangan matapos hindi magtagumpay ang iba pa.
Sinabi naman ni Dr. Howard Fillit, Chief Science Officer ng Alzheimer’s Drug Discovery Foundation, na magandang balita ang ulat para sa pinakakumplikadong sakit na kinakaharap ng mga tao na maaaring hindi lamang magamot, ngunit maiiwasan din.