Isang magandang balita ang sasalubong sa mga Pilipino sa pagpasok ng 2019.
Ito ay dahil simula January 1, 2019, vat-free o wala ng Value Added Tax ang lahat ng gamot para sa sakit na diabetes, high cholesterol at hypertension na bahagi ng probisyon sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ng Duterte administration.
Ibig sabihin nito, mas makakatipid o mas makakabili ng marami ang mga Pilipinong mayroong ganitong sakit.
Dagdag pa ng Department of Finance, ang guidelines para sa pagpapatupad ng panununtunang ito ay naka-detalye sa ilalim ng Section Section 109(AA) ng National Internal Revenue Code (NIRC), na inamiyendahan ng Section 34 ng Republic Act 10963 o ang TRAIN Law.