Madalas ka bang nakararanas ng constipation?
Ang kondisyon na ito ay dulot ng mabagal ang paggalaw ng dumi sa digestive tract, kung saan hindi agad nailalabas ang dumi na siya namang nagiging dahilan ng pagtigas at pagkatuyo nito.
Kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng constipation ay ang kakulangan sa tubig at fiber; pagbabago sa diet; kakulangan sa physical activity; matagal na pag-upo o paghiga; at pagpigil sa pagdumi.
Kasama naman sa mga sintomas ng constipation ang hirap sa pagdumi, pakiramdam na parang may pagbabara sa bituka, pananakit ng sikmura at tiyan; at pagiging bloated ng tiyan.
Ang mga gamot naman pwedeng inumin upang mawala ang constipation ay stool softener, osmotic, stimulants, fiber supplements, at suppositories.
Sakali mang lumala ang nasabing kondisyon ay mas mainam nang magpakonsulta sa doktor.—sa panulat ni John Riz Calata