Inihayag ng Department of Health (DOH) na libre na sa bawat isa ang gamot sa sakit na lung cancer upang matugunan ang pagdami ng pangunahing cause of death sa bansa.
Ayon kay Health Disease Prevention and Control Bureau Chief Frances Prescilla Cuevas, ang mga indibidwal na na-diagnose na may lung cancer ay magkakaroon ng access sa optimal treatment care kabilang na ang bakuna laban sa naturang sakit.
Kasama din dito ang ilang proseso upang maiwasan ang paglaganap nito.
Sa ngayon, nagtatag na ang DOH ng Cancer Assistance Fund (CAF) bilang suporta sa cancer and supportive-palliative medicines access program na nagbibigay ng libreng gamot sa mga pasyenteng may cancer. —sa panulat ni Angelica Doctolero