Ganap ng bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa.
As off 11am kanina, huling namataan ng pagasa ang bagyo na pinangalanang paeng sa layong 855 km Silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h na mabagal na kumikilos pakanluran Hilagang-Kanluran.
Sa ngayon, bagaman wala pa sa loob ng bansa, trough o extension naman ng Bagyong Paeng ang magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Quezon, Bicol Region, Visayas, Northern at Western Portions ng Mindanao.
Sa susunod na mga oras, inaasahang lalakas pa ang Bagyong Paeng at magiging tropical storm bukas bago magtungo sa Philippine Sea at maging typhoon sa sabado.
Dahil dito, posibleng umabot pa sa 184 km/h ang lakas ng bagyo na magtataas ng signal number 4 sa ilang bahagi ng bansa.