Tiniyak ng Russia ang kanilang pagganti sa Estados Unidos dahil sa hindi umano katanggap-tanggap na ipinataw na parusa sa kanila.
Ito’y kasunod ng desisyon ng US Department na patawan ng sanction ang Russia matapos ang umano’y chemical attack sa dating Russian spy na si Sergei Skripal at anak nitong babae habang nasa US.
Itinuring ito ng US na paglabag sa chemical at biological warfare law.
Ngunit pinanindigan ng Russia na wala silang anumang ginamit na chemical weapons.
—-