Krusyal umano ang session break ng kongreso para sa gapangan ng boto kaugnay sa paglusot ng BBL o Bangsamoro Basic Law sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo.
Ipinabatid ni You Against Corruption and Poverty (YACAP) Partylist Representative Carol Jayne Lopez na mayroon na silang nakuhang mahigit 100 kongresista na kontra sa BBL at inaasahan nilang madaragdagan pa ito.
Subalit, ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, malaki na rin ang bilang ng mga kongresistang pabor sa BBL na na-survey nila.
Lalo pang lalakas ang BBL
Naniniwala si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na lalo pang lalakas ang Bangsamoro Bill.
Ito ay matapos matanggal ayon kay Belmonte ang opt in provisions na nangangahulugang maaaring maging bahagi ng rehiyon ang mga lugar na mananalo sa plebisito para maging bahagi nito.
Magugunitang isa si Saranggani Congressman Manny Pacquiao ang tumutol sa nasabing probisyon.
By Judith Larino