Tiwala si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Gilbert Gapay na kanilang matutuldukan ang problema sa mga local terrorist groups bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Gapay, lumiit na ang armadong kakayahan ng mga grupong tulad ng Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Dawlah Islamiya at New People’s Army.
Ani Gapay, bumaba na rin ng humigit kumulang 30% ang kaso ng mga NPA o terrorist group initiated na mga mararahas na insidente ngayong 2020 kumpara noong taon.
Itinuturing din ng AFP chief na isang “major accomplishment” ang tagumpay ng AFP laban sa mga lokal terrorist groups, sa gitna ng umiiral na situasyon sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, sinabi ni Gapay na hindi magtatagal ay pemanente na rin nilang magugupo ang mga lokal na teroristang grupo sa bansa at maaabot palugit na ibinigay sa kanila ni Pangulong Duterte.