Nanawagan si AKO Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin sa mga abogadong nakapasa sa 2019 bar exam na turuan ang lokal na opisyal at police units ng basic ng criminal law at due process.
Ito’y matapos mapaulat ang mga umano’y insidente ng kwestiyonableng pagpapatupad ng batas.
Ayon kay Garbin ituring sana ito ng mga bagong batch ng mga abogado na isang community service.
Ani Garbin kailangan matutunan ng mga barangay tanod at local police field units ang basic ng human rights, due process, criminal law at criminal procedure para maayos na maipatupad ang mga batas sa kani-kanilang nasasakupan.
Giit ni Garbin, ang mga ganitong klase ng insidente ay hindi na dapat itinuturing na isolated ngunit nakakakuha ng atensyon sa social media.