Bukas ang lider ng isa sa dalawang naglalabang paksyon ng PDP-Laban na makipag-alyansa sa hugpong ng pagbabago regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.
Ayon kay Atty. Rogelio Garcia, pinuno ng isang paksyon ng PDP-Laban, walang maaaring maging hadlang kung makikipag-sanib sila sa ibang partido.
Dagdag ni Garcia, nakahanda rin silang makipag-usap sa Hugpong ng Pagbabago para sa posibilidad ng pakikipag-alyansa.
Una nang nag-alok ng tulong si Mayor Duterte-Carpio sa PDP-Laban para maayos ang gusot sa loob ng nabanggit na partido.