Magtatapyas na rin sa presyo ng kanilang tinapay ang Gardenia Bakeries Philippines sa susunod na buwan.
Ayon kay Gardenia President Jun Umali, P0.50 ang ibaba ng presyo ng kanilang classic white bread na kasalukuyang nasa P62 pesos.
Samantala, ang 12 piraso nilang pandesal ay matatapyasan ng P0.25 sentimos kaya’t bababa ito sa P36.25 mula sa P36.50.
By Ralph Obina