Nakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOH) ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kay dating Health Secretary Janet Garin at iba pa.
Nag ugat ito sa pagkasawi ng ilang batang naturukan ng dengvaxia.
Nakasaad sa resolusyon ng DOJ na magkaroon ng kapabayaan ang panig ni Garin at iba pang respondents nang ipatupad ang mass immunization program.
Bukod kay Garin, 9 na iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) kabilang ang mga opisyal ng Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur ang kinasuhan.
Matatandaang mismo ang kumpanyang Sanofi ang nagsabi na epektibo lamang ang dengvaxia sa mga batang nagkasakit na ng dengue.