Isang ‘no-no’ o hindi dapat ginagawa.
Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader Janette Garin, hindi dapat gawing basehan ang pinanggaling bansa ng bakuna sa pagiging epektibo nito pangontra COVID-19.
Ibig sabihin ani Garin, ang isang bakuna ay dini-develop sa iba’t-ibang bansa at hindi lamang sa iisa.
Isang pagkakataon ang inihalimbawa ni Garin ang ginawa noon sa Wuhan sa China.
Kung saan kumalap ng ebidensya ang mga eksperto at tsaka ipinadala sa iba’t-ibang mga bansa.
Matapos nito, ay ibinalik sa wuhan ang bakuna para isagawa ang pagtuturok nito.
Bukod pa rito, ani Garin kung nabigyan na ng emergency use authorization (EUA) ang bakuna, ibig sabihin nito ay ligtas na itong gamitin.
Samantala, naniniwala rin si Garin na ligtas gamitin ang bakuna kontra COVID-19 na gawang China sa vaccination program ng bansa.
Sa huli, binigyang diin ni Garin na wala nang gaganda pa sa pagsasagawa ng information campaign hinggil sa pagbabakuna para mawala ang agam-agam ng publiko rito.