Iginiit ni Congresswoman at dating health secretary Janet Garin na payagan na uli ang paggamit sa Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Garin, hindi lolobo ng husto ang bilang ng mga nagkaka dengue kung mayroong Dengvaxia dengue vaccination program.
Nilinaw ni Garin na ang intensyon ng Dengvaxia ay hindi upang tuluyang mawala ang dengue kundi upang mabawasan ang bilang ng na-o-ospital at upang hindi masyadong lumala ang dengue.
Ibig anyang sabihin ay may magkakasakit pa rin ng dengue subalit hindi ito masyadong malala at karaniwang hindi na kailangang dalhin sa ospital.
Batay anya sa kanilang kalkulasyon, nasa 80 porsyento ang bawas sa bilang ng na-o-ospital dahil sa dengue at 93 percent naman ang bawas sa bilang ng namamatay dahil sa dengue.