Kinumpirma ni dating Health Secretary Janette Garin na tinakot umano siya ni Sec. Francisco Duque III noong iniimbestigahan sa Senado ang anomalya sa pagpapatakbo ni Duque sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Garin, nagalit si Duque nang kinuwestyon nito kung paano nagsimula ang paglala ng pamamalakad sa PhilHealth simula nang si Duque ang itinalaga bilang health secretary.
Dagdag pa ni Garin, sinagot siya ni Duque na mag ingat sa kung ano ang sinasabi niya at marami aniya siyang alam kay Garin.
Dumepensa naman si Duque sa isyu at sinabing nag pantig ang kanyang tenga nang sinabi ni Garin na ang pag-enrol ng 5 milyong mahihirap na pamilya sa PhilHealth ang siyang dahilan ng fraud.
Aniya, pinaghirapan niya ang pag-enrol sa mahihirap at bigla nalang itong iniugnay sa fraud.
Samantala, una nang nalaman ni Senador Panfilo Lacson, ang impormasyon sa grupo ng mga doktor na tinakot umano ni Duque si Garin nakaraang imbestigasyon sa Senado.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.