Nagpositibo sa COVID-19 si dating Health Secretary ngayo’y Congresswoman Janet Garin.
Ayon kay Garin pinayuhan siya ng kanyang duktor na mag-home quarantine matapos makitaan ng ilang mild symptoms ng nasabing virus tulad ng sipon, ubo, lagnat at chills.
Sinabi ni garin na nakapag-advise na siya sa mga nakasalamuha niya na mag quarantine na rin at tutukan ang mga sintomas ng COVID-19.
Tiwala si Garin na hindi na lalala ang kanyang mga sintomas kahit pa mayruon siyang asthma, hypertension at Raynaud’s disease.—ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)