Pinagpa-public apology ni dating Department of Health (DOH) Secretary at ngayo’y iloilo 1st District Representative Janette Garin ang DOH Region 6.
Ang panawagang ito ng mambabatas ay bunsod ng pagdedeklara ng DOH-6 na persons under monitoring (PUM) ang lahat ng residente ng Guimbal, Iloilo.
Dagdag pa ni Garin, “the damaged has been done” pero dapat pa rin daw na humingi ng tawad ang tanggapan dahil nakapagdulot ito ng diskriminasyon sa mga residente.
Samantala, nauna nang nilinaw ng ahensya na hindi nito tinuturing na PUI ang lahat ng mga residente sa halip ay isinailalim lamang ang dalawa nitong barangay sa “strengthened home quarantine.”
Sa panulat ni Ace Cruz.