Pinaalalahanan ni Iloilo representaive at dating health secretary Janette Garin ang publiko na iwasan muna ang paghalik.
Ito aniya ay upang mapigilan ang posibleng malawakang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Garin, karamihan sa mga naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay transmission o pagkakahawa ng mga magkakapamilya o mga malalapit sa isang pasyente.
Sinabi ni Garin, dapat nang iwasan munang halikan ng isang indibiduwal na nakararanas ng ubo, sumasakit na lalamunan, sipon, lagnat o anumang sintomas ang kaniyang asawa o kasintahan.
Dagdag ni Garin, kanya na ring kinausap si Health secretary Francisco Duque na huwag mahiyang manawagan sa publiko na iwasan muna ang humalik.