Itinanggi ni dating Health Secretary Janette Garin na midnight deal o may anomalya ang pagbili ng pamahalaan sa 3.5 bilyong pisong halaga ng dengvaxia dengue vaccine.
Sa isang press briefing bago magsimula ang pagdinig ng Senado sa usapin, pinabulaanan ni Garin ang akusasyon ng korapsyon, sabwatan at minadali ang pagbili ng dengvaxia.
“Wala po itong korupsyon at hindi ito minadali. Matagal na pong usapin ang problema sa dengue.” Pahayag ni Garin
Binanggit din ni Garin na kasama nila ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs o DFA noong nakipag-usap sila sa Sanofi Pasteur.
Ipinagtanggol din ni Garin ang Philippine Children’s Medical Center o PCMC sa isinagawa nitong procurement sa dengvaxia.
Kasabay nito nananagawan si Garin sa publiko na hintayin muna ang mga sasabihin ng mga eksperto sa usapin ng dengvaxia bago magbigay ng kanya-kanyang opinyon.
—-