Marami sa atin ang hindi gusto ang lasa ng bawang, pero para sa hindi pa nakakaalam, ang bawang ay isa sa pinaka mabisang remedy ng isang tao.
Maraming benepisyo ang kayang ibigay ng bawang kabilang na dito ang energy, carbohydrates, good fats, protein, vitamins katulad ng B1, B2, B3, B5, B6, B9, C at choline na tumutulong para maging maayos at maganda ang ating pangangatawan.
Bukod pa dito, mayaman din ito sa minerals katulad ng calcium, iron, magnesium, manganese, phosphorus, potassium, sodium at zinc na kailangan ng katawan ng isang tao.
Marami saatin ang hindi kayang kumain ng bawang dahil sa pangit na lasa at amoy nito, pero kung pakukuluan ito sa mainit na tubig upang gawing garlic water ay may mainam dahil sa medicinal magic na dala nito.
Kaya kasi nitong mapababa ang high blood pressure, blood glucose, cholesterol, mahusay sa ating mga puso, heart damage, lipid profile at dialyl trisulfide na nakakatulong para maprotektahan ang ating mga puso sa ibat-ibang klase ng sakit. —sa panulat ni Angelica Doctolero