Masayang ibinahagi ni ‘Mr. Pure Energy’ Gary Valenciano sa kanyang fans at followers sa social media na gumaling na siya sa sakit na Kidney cancer.
Ayon kay Gary, mabuti na ang kanyang pakiramdam matapos ang serye ng gamutan.
Noon lamang mayo ay sumailalim ang OPM icon sa emergency open heart surgery matapos matuklasang mabarahan ang kanyang ugat bunsod ng diabetes.
Ito, aniya, ang dahilan kaya’t hindi pa siya bumabalik sa trabaho.
Tiniyak naman ni Mr. Pure Energy sa kanyang followers na wala silang dapat ipangamba.
Samantala, nagpasalamat si Gary V. sa lahat ng sumusuporta sa kanya.
Hi everyone. Looks like many of you saw the preview of my interview on Rated K. Pls watch the entire interview this Sun on ABSCBN. There you will hear in detail what I went through. BUT do know that I am now ok…and I’m ready to come back soonDon’t worry k? IU all
— GARY VALENCIANO (@GaryValenciano1) July 6, 2018