Sumailalim sa heart surgery ang beteranong singer na si Gary Valenciano kagabi, May 6.
Sa pamamagitan ng Facebook, inanunsiyo ng Manila Genesis Entertainment, kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya Valenciano ang ginawang medical procedure sa tinaguriang Mr. Pure Energy.
Kasalukuyan na anilang nagpapagaling ang singer matapos ang pinagdaanang operasyon sa kanyang puso.
Kuwento ng kampo ni Gary V., nakaramdam ang singer ng paninikip ng dibdib matapos ang isang dance number niya kahapon para sa kanyang 35th year anniversary sa showbiz.
Batay umano sa findings ng mga doctor, may kinalaman ito sa kanyang sakit na type 1 diabetes na halos apatnapung (40) taon na niyang dinadala.
Humingi naman ng dagdag na panalingin ang pamilya ni Gary V. para sa mas mabilis na paggaling ng singer.
—-