Inamin ni Gary Valenciano na isa siya sa mga sobrang naapektuhan sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Gab Valenciano at Tricia Centenera.
Ayon kay Gary V, hindi siya nawawalan ng pag-asa na kikilos pa rin ang Diyos upang maplantsa ang anumang gusot at muling magkakaayos ang mag-asawa.
Samantala, bilang ama, idinipensa ni Gary ang kanyang anak sa balitang third party ang siyang dahilan ng hiwalayan.
Aniya, laging lumalabas na may third party dahil natural na pala-kaibigan ang anak.
“So, ‘pag medyo mainit na ‘yung mga pinag-usapan, kahit maging mabait siya kahit konti sa mga babae, lagi siyang nali-link, and i don’t think that’s the case. There are still things of course that we’re talking about, and hopefully in the course of time, makikita din ng mga tao ang katotohanan.” Pahayag ng singer sa isnag interview
By Rianne Briones