Posible umanong “gas leak” ang dahilan ng pagsabog sa isang commercial center sa Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Sabado.
Batay sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Police Regional Office 9 o Pagadian City Police Station, hindi Improvised Explosive Deviced (IED) ang dahilan ng pagsabog kundi ang pagtagas ng isang tangke ng LPG sa nabanggit na lugar.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa naganap na pagsabog pero nag-iwan ito ng pagkasira sa ilang mga ari-arian.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na insidente.