Posibleng maharap sa patung–patong na kaso ang mga negosyante at kumpanya ng langis na mahuhuling hindi nagpapatupad ng tamang pagpataw ng excise tax sa presyo ng produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion act.
Ayon sa Department of Energy o DOE, ang mga mahuhuling lumabag sa batas ay maaring patawan ng parusang kanselasyon ng kanilang certificate of compliance at maari ring kasuhan ng ‘profeetering’ at estafa.
Maliban dito, i-eendorso din anila sa Bureau of Internal Revenue ang mga hindi susunod sa regulasyon para isailalim sa special audit.
Paalala ng DOE, hindi na maaaring patawan ng buwis ang mga ‘old stock’ na produktong petrolyo dahil hindi pa ito saklaw ng TRAIN law.