Hindi bababa sa 20 katao ang patay habang sugatan ang marami matapos sumabog ang gas tanker sa isang industrial area sa Khartoum, Sudan.
Batay sa ulat, kabilang sa mga nasawi ay ilang Indian national na nagtatrabaho sa naturang lugar.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsabog ng gas tanker.