Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa gasolina ang mga oil company habang tapyas-presyo ang inaasahan sa diesel at kerosene sa Martes.
Ayon sa UniOil, maglalaro sa P1.00 hanggang P1.15¢ ang increase sa kada litro ng gasolina.
40¢ hanggang 50¢ naman ang posibleng rollback sa presyo ng diesel at 30-40¢ sa kerosene o gaas.
Magugunitang nakapagtala ng siyam na sunod na linggong price hike sa diesel at kerosene habang ito na ang ika-10 sunod na linggong dagdag-presyo sa gasolina. —sa panulat ni Drew Nacino