Sinalakay ng dalawang hindi pa nakikilalang holdaper ang isang Petron gasoline station sa Abenojar Street, kanto ng Central Avenue, Brgy. New Era, Quezon City.
Base sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), sakay ng isang motorsiklo ay tinangay ng dalawang suspek ang P60,000 cash kasama ng isang unit station phone na nagkakahalaga ng P5,000.
Nabatid na ida-drop na umano ng Supervisor ng Petron na si Realyn Lorica ang kanilang kita sa maghapon nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang yamaha mio at agad siyang tinutukan ng baril at mabilis na nilimas ang nasabing halaga, maging ang cellphone ng biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek na patuloy na patuloy pang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad. —sa panulat ni Angelica Doctolero