Aabot na sa mahigit P1-B ang halagang na gastos ng pamahalaan sa paglaban nito sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Ricardo Jalad, na ang OCD ang in charge sa logistics and sustainment ng COVID-19 quarantine facilities na kinabibilangan ng Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center, Ninoy Aquino Stadium, at Philippine Arena.
Nakatoka din aniya sa OCD ang pangangalaga sa mga healthcare workers at COVID-19 patients, partikular na sa mga hotel accommodations.
Paliwanag ni Jalad, pagdating sa augmentation ng quick response fund (QRF), tatlong beses na aniya silang nakapag-request sa DBM kungsaan agad naman aniya itong ibinibigay.
Base aniya sa kanilang talaan, pumalo na sa mahigit P1-B ang kanilang naikontrata para sa lahat ng kinakailangan ng bansa upang malabanan ang COVID-19.
Samantala, umaabot naman aniya sa P34-M ang mga donasyong natanggap ng pamahalaan mula sa private sectors at non-government organizations.
Habang may mga dayuhang bansa naman aniya ang nagbigay ng donasyon tulad ng medical supplies, equipment, at personal protective equipment (PPE’s).