Tumaas ng 19 na porsyento ang paggastos ng gobyerno para sa ikatlong quarter ng taong ito.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad, pumapalo sa P558.5 billion pesos ang nagastos ng gobyerno sa third quarter na mas mataas sa P90.2 billion pesos lamang sa parehong panahon noong isang taon.
Kasabay nito, ipinagmalaki ni Abad na ang malakas na third quarter performance ay nagpapakita lamang na umuubra ang pagsisikap ng gobyerno na ayusin ang aniya’y spending bottlenecks.
Tiwala si Abad na mapapanatili ng bansa ang spending momentum hanggang sa katapusan ng taon.
By Judith Larino