Sumampa na sa P81 billion ang gastos ng gobyerno sa imprastruktura.
Batay sa pinakahuling report ng Department of Budget and Management (DBM), tumaas ang gastos ng bansa sa 2.1% kumpara sa P78.9 billion noong nakaraang taon.
Dahilan ng pagtaas ang constructive receipts of cash payment mula sa Department of Transportation.
Sa unang limang buwan ng 2022, nakapagtala ang DBM ng kabuuang 0.7% na pagtaas ng gastos kumpara P332.3 billion noong 2021.