Pumalo na sa tatlong bilyong piso ang nagagastos ng gobyerno sa pakikipagbakbakan nito laban sa Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, umaasa silang pagbibigyan ng Kongreso ang kanilang apela na i-replenish ang naturang pondo na kinuha lamang sa ibang proyekto.
Aniya, kinakailangan pa ng mas malaking pondo para bumili ng military equipments, mga bala, night vision googles at bulllet proof vests.
Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng militar sa bakbakan na tinatayang magtatagal pa ng isa hanggang dalawang buwan.
By Rianne Briones