Halos sampung (10) bilyong piso ang gastos ng pamahalaan bilang host ng APEC o Asia Pacific Economic Conference Summit na magaganap sa susunod na linggo.
Ayon kay Ambassador Marciano Paynor Jr., Director General ng APEC 2015 National Organizing Committee, disenteng halaga ito para sa isang kaganapang lubhang kailangan ng Pilipinas tulad ng APEC Summit.
Dapat anyang alalahanin na 21 high profile guests ang nakatakdang dumating sa bansa para sa APEC Summit, hindi pa kasama rito ang kani-kanilang mga delegasyon.
Sa ngayon ay nasa 95 hanggang 97 percent ready na aniya ang Pilipinas para sa APEC Summit.
Mabusisi aniya ang ginagawa nilang paghahanda dahil nais nilang umuwing kuntento ang mga bibisitang leaders ng iba’t ibang mga bansa.