Minimal lamang ang halaga ng ginagastos ng senado, para sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee Sub Committee, sa mga anomalya na kinakasangkutan ni Vice President Jejomar Binay.
Tugon ito ni Sen. Alan Peter Cayetano, sa pagkuwestyon ni Joey Salgado, sa laki ng ginagastos ng senado para sa napakahabang pagdinig na ginagawa nito.
Iginiit ni Cayetano na maliit lang ang kanilang ginagastos, kumpara sa halaga ng nakulimbat ng Bise Presidente.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)