Aabot sa 216 million pesos ang idineklara ni vice President-elect Sara Duterte-Carpio na gastusin para sa kanyang kampanya sa 2022 vice presidential race.
Nakasaad ito sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) na inihain sa Commission on Elections (COMELEC) Kahapon.
Ang 79.5 million pesos ay nagmula sa in-kind contribution na natanggap mula sa iba pang source habang ang 136.6 million pesos ay in-kind contribution mula sa kanyang political party.
Batay din sa SOCE, hindi nakatanggap si outgoing Davao City Mayor Duterte ng cash contribution mula sa ibang source o sa kanyang partido.