Inaasahan na ni Vice President Jejomar Binay na may mga taong aakusahan siyang gumagamit ng kaban ng bayan para sa kanyang mga political advertisement.
Base sa datos ng kampo ng Bise Presidente, mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, si Binay ay gumastos ng halos P7 milyong piso para sa kanyang political ads.
Anila, ang datos na ito ay mula sa pag-aaral ng isang Marketing Research Firm.
Si Binay ay nananatiling isa sa nangunguna sa mga presidential survey sa kabila ng mga alegasyon ng umano’y korapsyon na ipinupukol laban dito.
By Meann Tanbio | Allan Francisco