Aabot sa P3.9 bilyong piso ang gagastusin ng pamahalaan sa isinusulong na modernisasyon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Ayon kay Senator Ralph Recto, nagsusulong ng panukala para gawing moderno ang ahensiya, maliit ang nasabing halaga kumpara sa halagang nasisira dahil sa malalakas na bagyo.
Sinabi pa ni Recto na maliit ang nasabing halaga kumpara sa P172 billion pesos na pinsala sa agrikultura, ari-arian at imprastraktura ng apat na bagyong dumaan sa bansa, ang Ondoy at Pepeng noong 2009, Yolanda noong 2013 at glenda noong isang taon.
Sa P3.9 bilyong piso, na ilalaan sa ahensiya sa sandaling maging batas, ang P45 milyong piso taun-taon ay ilalaan sa compensation adjustments at P70 milyong piso naman para sa training at scholarships.
By Mariboy Ysibido