Umaabot sa P34.6 million pesos ang inilaan ng gobyerno para sa apat na araw na state visit ng Pangulong Noynoy Aquino sa Japan na tatagal hanggang Hunyo 5.
Ayon sa Malacañang, sakop nito ang gastusin para sa transportasyon, accommodation, pagkain, at iba pang pangangailangan ng presidente at ng 60-member delegation.
Kasama sa delegasyon ng Pangulo na ang ilang miyembro ng gabinete na kinabibilangan nina Finance Secretary Cesar Purisima, Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, Communications Secretary Herminio Coloma Jr. at Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Samantala, nakatakdang mag-courtesy call ang Punong Ehekutibo kina Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko.
Magkakaroon din ng hiwalay na pakikipagpulong si Aquino kay Prime Minister Shinzo Abe, ilang business managers at sa mga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Japan.
By Meann Tanbio